Linggo, Nobyembre 4, 2012

Feeling ng KABIT


Bakit may mga babaeng pumapayag na maging kabit? Paano nga ba maging isang kabit?

Sa una, ayan, ipaparamdam ni lalaki kung gaano ka kahalaga. Regalo dito, regalo dyan, date dito, date dyan. At para bang ikaw ang prinsesa ng buhay nya. Mararamdaman mo rin na “Oh My God feeling ko iiwan nya si number 1 para sa akin dahil sa mga ginagawa niya!”

Pwedeng ipakilala ka nya sa mga kabarkada niya. Ieexpose nya ang sweetness nya sayo. Oo diba parang mararamdaman mo na handa siyang ipakita sa mundo kung gaano ka niya kamahal? Pero wag kang magpauto dahil yang mga kabarkada nyang yan, alam lahat ng kalokohan niya at kinukunsinti lang sya sa pagkakaroon ng ibang babae sa kabila ng pagkakaroon niya ng asawa/girlfriend.

Lagi niyang ipapaliwanag sayo na hindi madali ang sitwasyon niya, mahal ka niya pero di nya alam kung paano hiwalayan si number 1. Napakaraming dahilan! Minsan pa eh ikaw ang lalabas na masama kapag dumating na sa point na gusto mong ikaw na ang maging number 1. TSSSS! Kesyo ikaw ang di makaintindi. Eh gaguhan ba? Di nya naiintindihan kasi kung gaano kasakit at kahirap yung ginagawa niya di ba.

Habang tumatagal, ilang months, dun mo mararamdaman kung gaano kahirap at kasakit maging kabit. Sa facebook, tagong tago ka, ni hindi pwedeng magkaroon kayo ng involvement sa isa’t isa o kahit anong ebidensya na nag-uusap kayo. Kahit simpleng comment o like, bawal. Tapos makikita mo, may bago silang picture ni number 1. Masaya sila, kasama ang mga taong mahal niyo katulad na lang ng mga kaibigan nyo at pamilya. SAKIT NON!

Pag magkasama kayo, lingon siya ng lingon sa paligid dahil baka may makakita sa inyo. Minsan bigla na lang siyang iiwas, or pag may nakita kayong kakilala nyo pareho, eh ikaw na mismo ang gagawa ng paraan para magtago ka. Di naman dapat ganun di ba? Di ka naman pangit para itago pero, kailangan. Tapos may itetext siya at kahit anong silip mo, di pwede malaman kung sino.

Dadalhin ka niya sa isang lugar ng paulit-ulit. Bakit? Dahil sa ibang mga lugar, dun niya dinadala ang girlfriend niya kaya ikaw, magtiis ka sa isang lugar lang kahit na paulit-ulit!

Gusto mo siyang makita pero di pwede, gusto mo magsched ng date nyo pero di pwede, kasi nga di ka niya priority. Kabit ka lang eh, natural si number1 ang priority nyan. Kaya nga number 1 eh!

Sa una lang talaga magaling ang mga lalaking yan. Bakit? Siyempre para makuha ka niya. Para makuha ka niya kahit alam mong may karelasyon na sya, gagawin niya ang lahat kahit kasinungalingan lang yun. At ang mas masakit eh kapag nakuha nya sayo ang lahat, iiwan ka lang din niya, dahil sawa na siya sayo, hahanap na siya ng ibang babaeng pwedeng maging KABIT.

At ang pinakamasakit sa lahat eh yung makita mo silang magkasama. Masaya sila, nakangiti, tumatawa at sweet. Anong mas sasakit sa moment na yun? Na para bang nagpasampal ka sa isang libong unggoy. Ipinapamukha ni Lord kung gaano ka ka-mali, dahil masaya sila. Ano bang lugar mo talaga di ba? WALA. Andiyan ka lang pag bored siya kasi masaya naman talaga siya sa una niya.

MGA BABAE, di kayo pangtanggal umay. Di kayo parausan. Di kayo pampalipas oras. Lahat ng babae dapat ginagawang prinsesa, hindi basura. Kaya wag kayong papayag na gaguhin ng mga lalaking yan.

HOY MGA LALAKI!!!! Kung sawa na kayo sa mga karelasyon nyo eh iwan nyo. Hindi yung gagawa kayo ng kalokohan tapos makakasakit pa kayo ng iba. Matuto nga kayo magmahal ng tapat. Di na kayo bata na nakikipaglaro lang kasi iba na ngayon. Di na tulad ng dati na kapag nasaktan eh madaling gamutin. Wag nyo sirain ang buhay ng mga babae dahil sa mga kalokohan niyo. And please, maging loyal na kayo sa girlfriend/asawa niyo kasi deserve nila yon.

Sana mawala na lahat ng babaero sa mundo para mabawasan na ang mga babaeng umiiyak.

3 komento:

  1. TAMAAAAAAAA. PERO MERON AKONG SASABIHIN. BAKIT UTAK ANG NASA IBABAW NG PUSO . AT BAKIT NAKAKAPASO ANG APOY. MERON BANG TAONG GUSTONG MAGING TANGA ,NGAYON NASA BABAE PARIN . KUNG PAPATOL CYA MAGPAPAKAGAGO NASA SARILI PARIN . MAGANDA O PANGIT ANG GINAGAWA MU IKAW AT SARILI MU DAPAT SISIHIN DI BAHHHHHHH

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hindi mo naman masisisi si girl kung nagmahal lang din siya, pag tayo nagmahal kahit mali nagiging tama.

      Burahin
  2. Mahirap talaga.. Ako nakipag hiwalay sa tatay ng mga anak ko dahil isa syang drug addict. Nakakilala ako ng isang lalaki sabi nya may asawa sya pero di kasal. Kaso natuklasan ko may asawa at anak kasal pa. Sobrang sakit ang naramdaman ko. Halos gumuho ang mundo ko akala ko nakilala ko na ang tamang lalake. Ngayun abg hirap bumitaw.. Masaya ako professional akong tao pero laht yun binaliwala ko sana. Abg hirao mag mahal.. Sobrang sakit..

    TumugonBurahin