Sabado, Oktubre 27, 2012

Kailan ba Pinili ang Isang Kabit?


Ang puso ng tao, isa lang, kaya dapat isa lang din ang laman nyan. Eh ano yung kantang “Sana dalawa ang puso ko”? KALOKOHAN YON! Kahit ano pang gawin o isipin ng isang taong sinasabing may mahal siyang dalawang tao, imposibleng magwork yun sa paraang magiging masaya both parties. Bakit? Dahil sa bawat araw, oras, minuto, segundo, may taong masaktan ng paulit-ulit.
Una sa lahat, ang couple ay para sa dalawang tao lang. ang pagkakaroon ng third party ay patunay ng hindi pagiging kuntento ng isa sa karelasyon nya. Eh bakit hindi na lang nya hiwalayan kung ganon diba? Maraming reasons! Reasons, excuses, etc! para lang makalusot.

Magsimula tayo sa taong nangangaliwa. Minsan kahit ibigay pa ng isang tao ang lahat, may mga pagkakataong maghahanap pa rin ng iba ang ka-partner nya. Kumbaga kahit may paborito kang ulam, di ba titikim at titikim ka ng iba? Lalo na kung paulit-ulit na yung ulam mo. Nakakasawa. Pero iba ang ulam sa isang relasyon. Ang ulam pinagsasawaan pero ang taong mahal mo kahit paulit-ulit pa lahat ng nagaganap, mamahalim mo pa rin at magiging tapat ka pa rin dapat. Pero, bakit nga ganon?

Sunod, ang karelasyon ng taong nangangaliwa. Oo maaaring alam at hindi alam. Kung alam, bakit ka pumapayag, tanga lang siguro. Sasabihin, dahil mahal nya kaya nya kinukunsinti o hinahayaan nyang mambabae/manlalake yung ka-relasyon nya. KALOKOHAN! Mahalin mo muna sarili mo. Hindi tamang kawawain ang sarili para sa isang bagay na akala mo eh mapapasaya ka kasi sa totoo lang di ka mapapasaya nyan, paulit-ulit ka lang masasaktan. Pero kung di alam, tanga rin. Minsan ang tao kailangan makiramdam. Oo pwedeng pinagkakatiwalaan nya yung karelasyon nya kaya di siya nagdududa pero, di sapat ang tiwala. Kasi kahit anong tiwala pa ng isang tao, may mga pagkakataong darating at susubukin yun, at maaaring masira. Mahirap kalabanin ang temptasyon. Mahirap umiwas, mahirap maging malakas. Uso na sa mundo ang maging mahina. Pero kailanman ay hindi yon dahilan para manakit ng damdamin ng iba.

Huli, ang kabit. Kabit, kabit, kabit. Hindi ba sila ang mga salot sa mundo ng bawat magkarelasyon? Ang kabit na alam ang lahat. Ano ba ang dapat itawag sa kanila? Maninira ng relasyon? o taong umaasa sa mga pangako na balang araw eh hindi na siya magiging third party kundi magiging legal na ka-relasyon na. Maaaring maging masama ang isang kabit ngunit paano natin masasabi na masama siya? Dahil sa pagpayag niya na maging isang kabit. Oo masama yon. Masakit rin. Katangahan, kalokohan, kabobohan. Ano pa bang masasakit na salita ang pwedeng sabihin sa taong pumapayag na maging pangalawa sa lahat ng bagay? Kahit gaano pa kasama yon, walang nakakaalam. Maaaring kasalanan niya pero maaaring kasalanan rin ng nagpakabit. Masamang mamangka sa dalawang ilog. Sinasaktan na niya yung karelasyon niya, pinapaasa nya pa itong si kabit.

Sino ba ang may kasalanan kung bakit sumusulpot ang isang kabit para guluhin ang dalawang tao? Yung una ko bang nabanggit na tatanga-tanga? Yung pangalawang gusto tumikim ng ibang ulam, o ung payag kahit na pangalawa lang siya? Sa palagay ko may mga pagkukulang at pagkakamali ang bawat taong sangkot pero higit sa tatlo, ang taong nasa gitna ang may pananagutan sa bawat hirap at sakit na pinagdadaanan ng mga taong nagmamahal sa kanya. Kung mananatili lang sanang kuntento ang isang tao sa partner nya, walang kabit, walang aasa, walang iiyak, walang pagtataksilan. Masaya sana..

Pero sabi nga nila, kailanman ay hindi pinipili ang isang kabit. Ang kabit ay pampalipas oras lang. Pangtanggal umay. Pampainit ng isang nanlalamig na relasyon. Pamparaos. Kung malungkot sa isa, punta sa kabit para maging masaya. Ganyan madalas ang sinasabi. Ang kabit, madaling palitan, walang pinanghahawakan. Ang tunay na karelasyon, kahit ilang kabit pa ang dumaan, di yan papalitan. Kailan nga ba pinili ang kabit?

-RM

89 (na) komento:

  1. :( ang sakit sakit nmn maging isang kabit .. bakit ganun kadaling alipustahin , o pagsalitain ang mga kabit ? walang sinuman ang gustong maging kabit sobrang hirap at sakit ang nararanasan ng isang kabit tulad ko nag mahal ng may pamilya na ngunit sa papel nalang sila kasal , sobrang hirap skin nun lalo't pangalawa lng ako dahil kahit anung pilit ko na pakisamahan ang pamilya nya hindi ako matatanggap dahil mananatili akong pangalawang asawa lang ... :( huhu

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. I feel you girl... ako tnago nya may asawa na cya.. ako mismo naka alam.. thru internet tnanong ko cya umamin c gago pero mas gago ako dhil ung sakit sobra pero tnanggap ko dhil mahal ko na cya ng sobra..

      Burahin
    2. Hindi ko lubos na pasasalamatan si Dr EKPEN TEMPLE sa pagtulong sa akin na ibalik ang Kaligayahan at kapayapaan ng pag-iisip sa aking pag-aasawa matapos ang maraming mga isyu na halos humantong sa diborsyo, salamat sa Diyos na ang ibig kong sabihin ay si Dr EKPEN TEMPLE sa tamang oras. Ngayon masasabi ko sa iyo na ang Dr EKPEN TEMPLE ay ang solusyon sa problemang iyon sa iyong kasal at relasyon. Makipag-ugnay sa kanya sa (ekpentemple@gmail.com)

      Burahin
  2. :(ang sakit sakit nmn maging isang kabit.bakit ganun kadaling alipustahin,o pagsalitain ang mga kabit?walang sinuman ang gustong maging kabit sobrang hirap at sakit ang nararanasan ng isang kabit tulad ko nag mahal ng may pamilya na ngunit sa papel nalang sila kasal,sobrang hirap skin nun lalo't pangalawa lng ako dahil kahit anung pilit ko na pakisamahan ang pamilya nya hindi ako matatanggap dahil mananatili akong pangalawang asawa lang.:(huhu

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hindi naman minsan kasalanan maging kabit.. yung una masaya lang hindi ko alam na may kalivein na pala sya.. hindi ako bumitaw kasi umaasa ako sa mga pangako nya na balang araw ako pipillin nya mahal na mahal ko nagtitiis ako kahit gaano ka hirap ang itago at limited pa ang paguusap .. ang gusto lang namin ng isang kabit ay mahalin ng tunay at mahalin ng totoo yung wala kang kahati ..

      Burahin
  3. :'( nag mahaL Lng namn akO
    Pero biLang isang KABET Sheet
    Bakit Sha pa na LaLake ang minahaL ko
    Pwede nmn yOng may shOta Lng
    kasee dadating ang araw na mag hihiwaLay siLa
    Pero Ako maLaLa MasyadO kase meron SiLang
    anak Ehy ang hirap Tanggapin na kabet Lng ako ?
    Pero bakit ako pa ang piniLi mo ?
    Sinabihan na kita na akko naLang ang LaLayo
    Gusto mo Pang habangbuhay nLng ako maGiging KABET
    Anong SinaBi mO ?
    " yan ang mahirap Sayo hindi ka maronOng Lumaban ng LaLake "
    Aanhin kO pag Laban na hinDi ka kai Lan mn magiging akin ?
    Sinabi ko Yun kahit masakit ? :'(
    hindi rin ako makapaniwaLa na 13 yearS Old kabet naakO
    nag mahaL Lng nmn akO ? Pero anG sakit ?
    ALam ko baLang Araw makakaLimutan ku parin Lahat :(

    TumugonBurahin
  4. Guys sobrang hirap ng pagiging kabit..mahal na mhal ko siya.. mahal na mhal nya rin ako.. he sacrificed a lot for our reltnship.. iniwan nya asawa at anak nya pra sakin.. peo hanggang kekan?. Truth hurts khit gaano ko pa gustuhin na akin lng xa.. mukhang impossible dhil nkatali na xa.. eventhough nghwalay na cla ng misis nya... wla na ibang solusyon kundi iwanan siya and save myself

    TumugonBurahin
  5. Guys sobrang hirap ng pagiging kabit..mahal na mhal ko siya.. mahal na mhal nya rin ako.. he sacrificed a lot for our reltnship.. iniwan nya asawa at anak nya pra sakin.. peo hanggang kekan?. Truth hurts khit gaano ko pa gustuhin na akin lng xa.. mukhang impossible dhil nkatali na xa.. eventhough nghwalay na cla ng misis nya... wla na ibang solusyon kundi iwanan siya and save myself

    TumugonBurahin
  6. Nagmahal Ako Ng Mali.
    Mali dhil may pamilya sya.
    Sobrang sakit, at sobrang hirap tanggapin na pangalawa lng ako sa lahat ng bagay. Dati handa pa ako na pakawalan sya. But now, hndi ko na kaya. Sobrang lalim na ng pagmamahal ko sa knya. Peru bkit sya di nya kaya magawa na ipaglaban ako. So hard, everything is hard. Ang hirap magmahal ka ng taong di ka nman pinapahalagan. Kompetensya ko ang mga anak nya. Ayae bumitaw ng asawa nya at ganun din ako. Huhuhuhu f*ck !

    TumugonBurahin
  7. Dati naging kabit dn aq...pero nun una Akala q binata tlaga,,,kya ngs2han q tlaga ..hanggang s tumagal ang rekasyon namin at Nahulog na ang loob q skanya sobra q n syang minahal...Akala q tuloy tuloy n ang kasiyahan n ndarama q hanggang s isang cnabihan aq ng bf q n pingkatiwalaan q at minahal q n ng sobra n wag n dw kaming mgkita kahit kailan kc uwi n dw ang asawa nya at may anak cla....huhuhuhu! Sobrang sakit pakiramdam q pra akng pingsakluban ng langit at lupa...Bakit ganun ? Kawawa n nga aq kinawawa p aq ng asawa nya...pingmumura...masasakit n salita at pinamumuka n isa akng mababang klase ng babae......kasalanan q bng mgmahal ng isang taong sinungaling..ginawa lng pla akng parausan hbang wla ang asawa nya...at dhil ngkamali aq ng taong mamahalin itinakwil p aq ng mga magulang q dhil ...pumatol dw aq sa taong my pamilya n ...hindi rw aq pinalaki pra manira ng pamilya...kya kawawa tlaga maging isang kabit...kc bandang huli ...magiging basahan lng tau n matapos gamitin itatapon n lang..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ako naman pinaniwala niyang hiwalay na sa asawa at for filling nadaw ng annulment sa korte pinaikot nya lng ako at binola tpos ngayong ako e nabuntis tininatanggi at iniwan ako sa ere habang ang asawa nya masasakit na salita inaabot ko .hindi ko na alam ggwin ko imiwas na ako bakit ngayon ako lang ang nag mukhang mababa ako lang nag mukhang bobo.tanga puta .naiwan ako aa ere at mag isa na nangangarap makatpos sa pag aaral dahil mag ssecond sem na dumating pa sakin ito hindi ko nadin matutupad ang pangarap ko dahil sirang sira na ang buhay ko .sa makalawa o bukas d ko na alam . Ang sobrang sayang pinaramdam nya sakin kapalit ay kapaitan . At pagkasira ng sarili ko paano ako babangon paano ako lalaban kong naging kabit pala ako na syang sinasabi ko sa knya una palang ayaw q mka sira ng isang pamilya ...paano na ba ako ??? Tulungan nui ko

      Burahin
  8. Sobrang sakit talaga kaya habang maaga pa tigilan na makipagrelasyon sa may asawa dahil at the end of the day ang original pa rin ang hahanapin nila

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Pano pg di kaya? Ang hrap po kase d naman bsta bsta ang pglet go

      Burahin
    2. Pano pg di kaya? Ang hrap po kase d naman bsta bsta ang pglet go

      Burahin
    3. Hi.. love yourself! Sa dulo tyo ang talo! S umpisa lang masarap lahat.. s huli iiwan din tyong luhaan. Nde tyo mgiging msaya kasi mali ung sitwadyon n pinasok. Walang mali sa pagmmahal khit sino p yan. Ang katotohanan ang pinaka msakit s lahat "ACCEPTANCE"

      Burahin
  9. Isa din akomng kabit, ang hirap ang sakit dahl nagaassume aq kung mahal nya b talaga ako o pampalipas oras lang.! itinext na ako ng asawa nya na wag na daw akong makipagkita at un nga almost 2mos. Na hndi kmi nakapgcommunicate, at umuwe dn aq sa probinsya namin sa rizal para tuluyang ilet go sya kase andun ako sa bikol nagaaral at dun ko sya nakilala. Akala q wala na talaga ng bigla na naman sya nagparamdam at gsto nyang mgkita kmi sa manila kse my inasikaso sya sa trabaho At un nga dahl sa mahal q sya nakipgkita na naman ako halos 1day and 5hrs kming magkasama parang auko ng matapos ang araw na un ! Solong solo q sya nakakapgholding hands kmi malayang malaya kmi ng araw na un ! Shit naiiyak aq auko na patuloy aqng naasa! At sbi nya magaabroad dw sya, sumunod na lng daw aq! Huhuhu ngaun 1week n naman syang d nagpaparamdam ? Nasa pamilya nya n naman sya! naiisip nya kaya ako?

    TumugonBurahin
  10. Hindi madaling maging isang kabit! Although na masama sa paningin ng lahat at sa mata ng Diyos pero nagagawa prin ipagpatuloy to. Ako hanggang ngaun nasa maling relasyon parin ako,at aminado ako hindi mawawala ung sakit at hirap kaso anong magagawa ko eto ung pinili ko,at totoong tumibok ang puso ko dito. Masyado akong nalunod sa pagmamahal nya,hindi siya nagkulang saken at hindi ko din naramdaman na isa kong kabit. Give and take kame. Intindihan sa lahat ng bagay pero normal sa part ko na masaktan kaso hindi pwedeng nagreklamo kasi nga ako mismo ang pumili neto. Sinubukan parin namn itama ung mali naghiwalay kame pero hindi namen kinaya nagtry kame iignore ang isat isa pero sa huli bumabalik prin kame. Alam kong masama pero sinama namen si God sa relasyong to at sa twing magsisimba kame hindi nawawala ung luha na pumapatak sa mata namen kasi kahit mahal namen ang isa't isa pareho kameng pinagdadasal na sana bigyan nya kame ng lakas na kalabanin ung sumasakop sa mga puso't isip namen. Hindi ako masamang tao hindi masama ang nga kabit sadyang nagmahal lang tlaga kame ng maling tao,at ang mga malawak ang pangunawa alam kong naiintindihan ako,para sa mga katulad kong nagmahal ng maling tao wag mong kunin lahat ng oras ng bf mo wag nyo silang paghanapan ng oras at panahon na kailangan igugol sayo bagkus unawain nyo sila kasi tayo naman ang pumili ng posisyon na to,wag kayong paulit ulit na ang hirap ang sakit etc,etc. Kasi malaya kang umalis lalo't dalaga ka!sa sitwasyon ko kontento ako ngaun masayang minamahal at nagmamahal,pero alam nateng lahat dadating ang panahon na kailangan n nila tayong bitawan kasi hindi pwedeng habang buhay kakayanin ng kapareha naten na tumawid tawid para lang makasama ka. Pagaralan nalang naten magmahal ngla walang kapalit at tanggapin ang katotohan na matatapos at matatapos din ang maling relasyong pinasok naten,mas gagaang ang loob mo alam ko walang kasing sakit pero un ung realidad na kailangan ngaun palang tinatanggap na naten. Ugali ko ako mismo nagsasabe sa bf ko na umuwe siya sa pamilya nya kasi may anak sila na isa hindi ko kinukuha ung oppurtunity na namnamin lahat bg oras na binibgay nya saken ako pa mismo ang nagpapaubaya kasi hindi naman pwede na ituon sa atin ung oras kahit anong gustuhin naten wag naten angkinin lahat ng pagkakataon,kasalanan na kasi ung gnagawa naten kahit sa ganung bagay Manlang may tama tyong gawin.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. kahit anong gawin mo na kabutihan hindi pa rin sapat yan para matakpan ang mali..intindihin nyo rin ang kalagayan ng totoo at unang asawa..mga daing lang ng minamahal nyo ang naririnig at nakikita nyo wla kyong alam kung pano sya pinakisamahan at trinato ng asawa nya na karelasyon nyo.

      Burahin
    2. Wag muna sanang isama si God kahit mgsimba kau kung hindi niyo ititigil ung relasyon niyo mali padin un. If you want to do things n alam mong tama kahit mahal mo n siya or mahal niyo isat isa dumistansya kana kay guy... sabihin mo man n maigsing oras o konting oras lang kinukuha mo s bf mo malaking bagay hn s part ng asawa at anak niya..
      You better do the right thing bagi ka pa mabuntis ni guy at lalong magulo ang buhay mo at ng family niya

      Burahin
    3. Paano mo kinaya girl?? Alam ko mahal nya ako Pero Ang sakit para sakin padin na nandun siya Sa aswa nya😢😢 Ang Hirap

      Burahin
  11. relate ako sau girl parehas tau sitwasyon un nga lang iba lang sa karelasyon ko siya naman tinupad niya lahat pangarap namin na maging legal kami isa pa yong x niya may asawa na din at namumuhay na parang mag asawa tulad namin. mga anak naman niya suportado habang and2 kami sa abroad pero lahat ng padala niya sa anak napupunta wala sa x niya kc nagka pirmahan na sila na wala na sila pakialam sa lahat except sa anak...
    masakit maging pangalawa sa 9 yrs namin nagsasama tinuring niya kong asawa pinakilala sa lahat ng pamilya niya at tinanggap naman din kami pati mga anak niya. hindi naman talaga tau masama tama nagmahal lang tau. masaya naman kami ngaun at magiging ok na ang lahat hindi natin kasalanan mahalin sila dahil nahanap nila sa atin kaligayahan na dapat sa asawa nila minsan kc may kulang sa asawa nila kaya sila nagmahal ng iba..db

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. tama ka jan gurl, ganyan din ako ngaun.. pareho tau, importante masaya sila s atin masaya tau s knila at tanggap ng pamilya nila

      Burahin
    2. Tanga pumatol ka parin sa may asawa na dapat hindi. Bobo. Sana gawin din sayo ng asawa mo ngayon yan. Ipag palit ka din para maramdaman mo pakiramdam. Bobo

      Burahin
  12. I know napakasakit talaga kasi ako rin antanga tanga ko... okay sila ng pamilya nya pero tnaggap ko parin sya kahit alam kong okay cla pero tanggap ko mga anak nya.. kung pwede lang makausap ng maayos ung asawa nya para magkausap kaming tatlo... ung gnagawa nya samin binabalance nya.. pero masakit parin kasi may kahati.... at mas masakit ung tnatawag kang kabet! Pasensya na po tangang nagmamahal lang ng may asawa!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. mahirap pero kahit mahirap masaya din naman kami lahat naman naayus basta dasal lang. oo inalipusta nga ako ng x ng hubby ko eh kabit nga dw ako pero tinaggap ko yun gat di pa ok divorce paper nila. wala rin ako pakialam kong ano sasabihin ng iba importante kami mahal na mahal niya ako at pamilya niya. kaya c x x na lang may iba na siya asawa noon pa iba iba hiwalay na din sila matagal na bago naging kami. kaya iniisip ko na lang kalimutan lahat pang alipusta nila at pinagdadasal ko na lang din na sana maging ok ang lahat. importante sa min kami.

      Burahin
  13. Ako naman, wala na sila bago pa man ako dumating sa buhay nya, hindi na talaga sila okay, they have 3kids, ngayon may bago na din lalaki yung babae, may baby na nga sila, okay naman kami, sakanila na ko madalas mag stay, kaso kapag dumadating sa point na, nandyan yung mga bata, pakiramdam ko, saling pusa ako, though ako talaga ang inuuna nya, kapag nandyan naman yung mga anak nya feeling ko outcast ako, gusto ko na din magkababy kami, pero gusto nya yung ready na lahat, kumabag financially, emotionally at physically, bata pa naman din kasi ako, turning 22 this year, masakit, kasi pangalawa ka lang, pero mahal ko eh. At masaya ako saknya.

    TumugonBurahin
  14. isa sa pinakamahirap na sitwasyon ang pagiging kabet. talo ka sa lahat, kahit nasasaktan ka na, mali kp rin, wala kang katiting na karapatan, lalo pang mahirap kapag nagka anak na kau. di ka kayang ipaglaban, tinatago ka, back off ka sa lahat, laging ikaw uunawa, magiging maliit tingin lagat ng tao sa sarili mo at mismong ikaw e manliliit sa sarili mo. full of pity shit. worst nightmare.

    TumugonBurahin
  15. Naranasan ko din sabihan nang isang kabit dahil nakipag relasyon ako sa isang lalaking kasal pa at meron silang isang anak 8 years old pa lng pero matagal na silang hiwalay at hindi din nmn ako un una nyang nkarelasyon non hiwalay na cla ni misis nya, pero ako yoong huli bago sya bumalik sa asawa at anak nya.
    Lagi ko syang sinasabihan na bumalik sa asawa nya kc my anak cla. Hnd man nya sakin sabihin pero alam kung mahal pa nya ang asawa nya. Alam ko din nmn mahal nya ako at kilala at tinanggap ako nang pamilya nya, nakasama ko din ang anak nya.
    Pero ganon tlaga cguro, maski mahal mo, papakawalan mo kc alam mong mas sasaya sya ksama ang anak nya..ako nmn ang pinili nya pero hnd nmn magiging masaya ang anak nya kung hiwalay na ang magulang nya. Kea bago sya bumalik ng abroad nkapag paalam kmi nang ayos sa isa't-isa at pinilit ko tlaga na balikan nya si misis nya.
    Habang nasa abroad sya, nag tatawagan pa kmi, minsan sa line,fb or viber..pero habang tumatagal ay umiiwas na ako.
    Mahal ko nmn tlaga sya, kea nga mas pinili ko kung san sya mas magiging masaya at hnd sya mahihirapan. Maraming nag sabi na bkit binitiwan ko sya, na dapat pinag laban ko kc mahal ako. Pero pano ba tau lalaban kung alam nmn natin na sa simula pa lng ay talo na tau, at pano ba tau hnd bibitaw kung my batang masasaktan. Noon nag kita ulit kmi, masaya na sya sa pamilya nya, magkababayan lng kc kmi. Masaya din nmn ako ngaun kahit hindi ako yong kapiling nya. Masakit pero dpat tanggapin kc pinili natin toh..

    TumugonBurahin
  16. Laging lang nating tandaan na hanggat nagmamahal ka walang makapaghusga na masama ka. Ako papayag na husgahan ng kahit na sino kung lang bahid dungis ang kanilang pagkatao. Bakit ginusto ba natin ang magmahal ng taong may pananagutan na? Lahat may dahilan kung bakit ito nangyayari kaya ni sinuman walang karapatan na kutyain ang mga taong marunong magmahal ng totoo. Alam nyo bakit dahil ang mga taong tinatawag nyo na kabit ang mga taong tunay at wagas magmahal dahil kahit gaano kasakit tinitiis ang lahat para sa taong mahal nito.

    TumugonBurahin
  17. Minsan iniisip ko bakit ako nalagay sa ganitong setwasyon? Tinanong ko ang Dios kung bakit sya pumayag namay ganito ?Na alam naman niya na isa itong malaking pagkakamali!Araw araw akong umiyak na walang nakakaalam .At paulit ulit kong tinatanong ang Dios ,kung may dahil ngaba ang lahat na ngyari sa buhay ko ngayon😞Kasi ni minsan hindi ako nagloko siguro ayaw ko lng dagdagan ang kasalanan ko .Lord pls tulungan mo naman kami .Subrang bigat ng setwasyon ko ngayon.

    TumugonBurahin
  18. Isa din ako sa inyo ngayon, sana naman huwag ninyo akong husgahan kaagad, nagmahal ako nang maling tao,masakit piro kailangan ko nang mag move on kasi pimili nyang balikan yong pamilya ,hindi OK yong pagsasama nila nang kanyang asawa,.. sya ang lalaki piro sya din ang bugbug nito , sa simula nang aming relasyon gusto ko lang talaga walang love na mangyayari piro hindi namin namalayan na nahuhulog na pala kami sa isat isa , noong nakaraang april 14 2018 umuwi kami s kanila ayaw ko sanang /sumama kasi baka Hindi kami tanggapin nang pamilya nya piro kabaligtaran pala ang nangyayri tinanggap kami nang pamilya nya hang buong buo at yong time na yon doon ko rin nalaman na Hindi pala gusto nang mama nya yong asawa nya kasi Hindi pa nga nya napakilala yong asawa nya sa personal sinagutsagot na ang mama ito sa txt maldita talaga yong asawa nya kaya galit na galit talaga ang mama ng boyfriend ko sa aswa nya, at nong panahon ring yon nakita din nang mama nya ang kalmot nang asawa nya sa katawan nang boyfriend ko Kaya Mas lalong nagalit talaga..at noong nakaraang mayo 6 2018 hiniwalayan nya yong asawa nya umuwi naman sya sa pudir nang mama nya,, nag stay nang isang buwan, nong panahon na yon ako lang karamay nya araw araw kami nag tawagan vedio call at mag chachat sa messenger...mahal na talaga namin ang isat isa, kaya lang noong umuwi na sya dito sa cebu domiresto sya sa tyahin nya, doon na muna sya tumoloy nag isang araw, may schedule kami nong pagdating nya dito sa cebu na maghahanap kami nang room para sa kanya kasi nga hindi na daw sya bumalik sa asawa nya.piro sa pagdating nang oras na sunduin nya na ako bigla nalang syang nag sabi na huwag nalang daw kami magkita dahil daw pinag papayuhan daw sya nang tiyahin nya iwan ko kung ano talaga nang yari bakit nagka ganon, simula noon Hindi ko na sya nakita hanggat may nagsbi sa akin na kaibigan ko na nakita daw nya sya dito sa lugar namin ayon nagduda na ako na bumalik na sya sa asawa nya..hinanap ko sya noong 23/at nakita ko naman sya nong araw na yon. Hindi ako nakapag salita bigla nalang syang muntik na umiyak nakita ko talaga sa mga mata NYa na montik na talaga syang umiyak noon at sinabi pa nya na mabigat daw sa pakiramdam nya ang deseyon nyang yon , isip daw nya ay lumilipad, masikip daw and dibdib nya,kaya tinanong ko sya paano na tayo and sabi nya WALA NA LANG DAW KAMI piro Hindi sya tumingin sa aki, wala talagang paliwanag kung BAKIT?? Hindi ko alam kung ano ano ang mga dahilankung bakit nagkaganoon..kaya ngayon anG daming mgA katanungan sa isip ko na wala talagang makasagut kasi iniwasaN na rin nya ako, piro
    I AM A STUPID WOMAN NAG HIhintay parin na magkausap kami kasi nga mahala KO TALAGA sya, , PEACE SANA HUWAG NYO MUNA AKONG HUSGAHAN..😭😥

    TumugonBurahin
  19. Umabot din kami nang 11\2year kaya nasabi ko na mahal talaga namin ang isat isa.siguro may problima lang talaga sya ngayon..kaya naghihinta talaga ako..

    TumugonBurahin
  20. Umabot din kami nang 11\2year kaya nasabi ko na mahal talaga namin ang isat isa.siguro may problima lang talaga sya ngayon..kaya naghihinta talaga ako..

    TumugonBurahin
  21. kabit parin po ba ang tawag sa taong pumatol sa may ka live-in.. meron po silang isang anak.. hindi sila kasal..
    tapos ngaun hiwalay na sila.. kabit po ba un?.

    TumugonBurahin
  22. kabit parin po ba ang tawag sa taong pumatol sa may ka live-in.. meron po silang isang anak.. hindi sila kasal..
    tapos ngaun hiwalay na sila.. kabit po ba un?.

    TumugonBurahin
  23. Ang hirap talagang maging kabit ,kasi maraming mapanghusgang tao sa mundo!Kung para sakin aanhin mo pa ang papel kung ayaw na sayo ng tao ?Ipagpilitan parin ba ng batas natin na ipagsama ang mag asawa kahit hndi na masaya ang isa sa kanila?Diba napakahirap naman non !Bkit hndi nlng palayain ng asawa nya kung hnd nman tlga sya kayang mahalin ulit ng kanyang asawa?Diba sya rin nman masasaktan kasi alam naman nya na hndi na sya mhal nito kundi sa anak nlng nila.Dapat sa mga tunay na asawa wag din nnyo husgahan ang mga kabit ksi hnd naman lahat ng kabit ay masasama maraming dahilan kung bkit nagkaganito.Wag nlng nnyo ipilit ang mga sarili nnyo sa asawa nnyo nangangaliwa ksi my dahilan nman eh kung bkit diba?Kasi sa huli kayo rin naman ang masasaktan .At wag din natin ipagmamalaki na kasal tayo ksi may mga bagay din sa mundo na kung para talaga sayo para sayo tlga yan _at kung hndi nman tlaga para sayo hind tlga para sayo yan khit ilang libo pa kayo ikasal

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Bitter mo teh... Linyahang walNg pag a sang eh kasal at forever na kabit ma bleeeh. Belat ko. Mabaho.

      Burahin
  24. pa advice naman, ung bf ko may asawa na at isang anak. una palang na imaging kami alam ko na may pamilya na sya. pero ang sabi nya Hindi sila kasal.kasi ung girl nasal sa iba at my 2 nang anak ung babae sa unang asawa nya. 5yrs na kami ng bf ko gusto ko nang sumuko sa relasyon namin pero mahal ko sya at ganun din sya sa akin. gusto nya mag ka anak kami.ang masakit nga lang.ginawa na namin lahat para mag ka anak pero wala.49 na sya at 28 ako.ang layo nang age gap namin.mahal na mahal ko parin sya. minsan naiisip ko na kalimutan sya
    .pa advice naman po;(

    TumugonBurahin
  25. Pangalawa din ako. Pero hindi sila kasal ng asawa nya may anak sila isa. Tatlong taon na kami. Napaka sakit maging pangalawa sobra nakakabaliw. Yung asawa nya nanlalake pero pinatawad nya pa din nung umasa masaya ako kasi naghiwalay sila naisip ko pwede na ko maging isa pa nagka anak kame. Pero binalikan nya pa din asawa nya. Ang dahilan nya kaya nya pinapatawad yon dahil sa ginawa namen dahil din kame. Hindi ako makabitaw dahil ayokong mawalan ng tatay ang anak ko. Gang sa nag abroad sya pero hanggang don lalo syang lumala. Pangalawa na nga ako may naging pangatlo pa. Sya na yung lalakeng nakilala kong kakaiba sa lahat dalawa na nga babae tumatlo pa. Dalawang beses ko sya naguli nakipag hiwalay ako pero puro sorry lang sya. Ngayon gusto ko na bumitaw dahil ang hirap hirap na diko na kaya kaso naisip ko pano anak ko? Wala akong trabaho hindi ko sha kayang buhayin mag isa. Pag tinatanong ko sya kung ano ba ko para sa kanya ang sagot nya pamilya nya ako. Ano ba tamang sagot dun? :( madami na din ako pinagdaanan tiis sa kanya. Grabe sya mambabae talagang ginagawa nya lahat makuha lang yung babaeng gusto nya. Naisip ko siguro karma ko to. Hindi na ko nakabitaw nung una dahil wala akong nagawa dahil nabubntis nga ako. Kaya hanggang ngayon sibrang tinatago nya kame ng anak ko takot na takot syang may makaalam. Pero sa pamilya nya legal kame sa mga kapatid nya at magulang nya minsan hinihiram nila anak ko. Mababait sila at kasundo ko sila. Sila mga kasabwat namin at never nila sinabi sa tunay na asawa yung about samen. Gusto ko na kumawala ngayon kaso pag ginagawa ko parang hindi ko kaya dshil mahal na mahal ko. Anong gagawin ko? :(

    TumugonBurahin
  26. Ako naranasan karin dati maging isang kabit.. Piro nagiging kabit ako hnd ko inisip na sirain ko ang pamilya nya...hnd ko inisip na gastosan nya ako..basta masaya lang ako kapagkasma no sya..at nag share kami ng mga problema nya at problema ko piro ramdam ko na mahal nya ako..piro hnd pwd dba?

    TumugonBurahin
  27. hays sakit namn ng husga ng mundo..alam ba nila ang sakit na nararamdamn din kabit,ang damdamin kasi mahirap itakwil,kaya minsan kahit alam ng mali,tuloy pa tin,pero kailan nga ba naging mali ang magmahal ng tunay?

    TumugonBurahin
  28. hays sakit namn ng husga ng mundo..alam ba nila ang sakit na nararamdamn din kabit,ang damdamin kasi mahirap itakwil,kaya minsan kahit alam ng mali,tuloy pa tin,pero kailan nga ba naging mali ang magmahal ng tunay?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Kailan nga ba mali ang magmahal ng tunay? Mali ang magmahal na alam mo sila pa ng partner nia pero hindi mali magmahal na alam mo sa sarili mo na wala kang tinatapakan na tao na wala kang sinasagasaang damdamin dahil alam mo na hiwalay na sila .Ang problema lang kasi naging mali na sa paningin ng iba kasi ang pangalawa ang may laging mali ni hindi nila inalam
      na hindi kapa dumating sira na ang pagsasama nila mag asawa sa papel nalang sila kasal pero sa batas ngaun may legal na paraan nah para hndi ka matawag na kabit.

      Burahin
  29. Lahat ng emotion mararanasan mo talaga pag alam mo ang taong mahal mo may asawa’t anak. Pero bakit ganun handa ka parin mahalin sya sadyang mapaglarong tadhana. Yung aabot sa point na gusto munang bumitaw pero wala nanaig parin yung pagmamahal mo sa kanya. Alam nyo yung feeling na naghihintay ka na ma legal nalang yung paghihiwalay nila pero natatakot ka malaman ng parents mo na nkipag relasyon ka sa taong may pamilya na. Araw-araw nagdadasal ako na sana maging okay na lahat kakapagod na din na itago yung nararamdaman mo sa pamilya mo.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ang mga taong ganyan ang pananaw s buhay ay mga taong bobo at walang takot s diyos.di bale di namn magtatagal babalik syo amg sakit n pinadama m s pamilya ngnkinabitan m ng mas masakit p s ginawa nyo.karma is on ur way n.gamit utak girl.mga ganyang pagiisip yan ung mga bobo mula pagkabata nila.bobo ka ba talaga?kawawa namn panilya m

      Burahin
  30. Hindi lahat ng kabet masasama Hindi lahat ng kabet malandi kung anu anu pa ang tinawag kasalan ba magmahal naging kabet ako ng seanan naranasan ko laht ang hindi dapat maranasan ko ang ayus ayus ng buhay ko noon sa isang iglap na tukso ako mahal ko sya pero pero MA's pinili ang dapat kahit buntis ako sakanya nilayuan ko sya iyon ang dapt kahit gaano mo sya kamahal huwag kang tanga MA's lalong mahihirap ka kapag nalaman ng legal yan kaht sya Mali sya sya parin ang mai karapatan at ikaw kabet ka lang mahirap makaladkad palabas sa mismong bahay mo kapag ikaw nagka pamilya na malalaman mo paano maagawan hindi lahat ng Babae gusto maging kabet huwag sana kau maopens sinasabi ko lang ang opinion ko

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Tanga lahat ng kabit ginusto sitwasyon nila lahat ng kabit desisyon maging kabot.kasi may utak ang tao ginagamit if from the start p lng alam mong makaksakit k at makaksira k ng pamilya wag m n ituloy pigilan m n sarili m lumayo kn iwas na.kasi di k liligaya ng totoong ligaya knowing n may pamilyang nahdudusa dahil s maling relasyon nyo.anyways kung ano ginawa m babalik yan sayo ng siksisk liglig at umaapaw.so ihanda m n sarili m s karma sampu ng iyong mga mahal s buhay at magiging anak m

      Burahin
  31. Mayroon po akong bf at sya ay may asawa at anak, sa una at sa pangalawa, pero ni isa sa kanila ay wala pa syang pinapakasalan ayon sa sinabi sakin ng bf ko..pero tama bang alamin ko ang katotohanan mula sa mga nauna nyang nakarelasyon kung totoo nga bang wala na sila ng mga nauna nya? Gagawin ko lang ang hakbang na ito para mas malaya ang puso kong magmahal ulit kahit sa lalaking may nauna nang minahal o nakalipas na relasyon.Does anyone can help me about my problem pls?

    TumugonBurahin
  32. Akala ko ako lang and nag isang kabit sa mundo.noong una kaming nagkakilala sinabi nya na hiwalay na silang mag asawa hanggang sa malaman ko na hindi pa pala. Nagbuntis ako at tiniis lahat ng pang aalipusta. Gusto ako ng pamilya nya kumpara sa totoong asawa kasundo ko lahat halos ng Kapamilya nya pero hindi pa rin pala sapat kasi masama PA rin ako kasi isa akong kabit. Bakit ba parang walang karapatan ang tulad ko sa lipunang ating ginagalawan. Yung totoo ngang asawa pagdating daw nya galing ng trabaho ni hindi man lang sya asikasuhin kung hindi yung pera ang unang hinahanap. Kwento din sa akin ng nanay nya. Naghanap sya ng iba hindi para magparaos Lang kundi para maghanap ng taong mag aalaga at mag aasikaso sa kanya. Sabi kasi nga asawa nya ipagpalit mo man ako sa iba ako pa rin ang legal at mananatiling kabit ang pangalawa kaya para sa kanya okay Lang na tratuhin nya ng ganun ang asawa nya.., pero ako pa rin ang masama kasi kabit Lang ako.., sobrang sakit kasi mahal na mahal ko sya.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Kawawa k nmn sinayang m buhay m.isa lng buhay natin sinyang mo pa.di p huli ang lahat hnap k ng walang sabit kasi pwede rin mangyari syonor s anak m ginagawa m magiging cycle of life mnyo yan gang 3rd generation m.kawawa magiging salinlahi m at iyan ay dahil s tinatawag mong maling pagmamahal.respeto s sarili at oamikyabinahin bago personal n kaligayahan para makaramdam k at makahanap n tunay n kaligayahan.libog lng yan day

      Burahin
    2. Ganyan din nangyari sakin Mahal namin Ang isat isa,diba minsan pag inisip mo un mga Asawa may pagkukulang Kaya naghahanap ng unawa Ang mga mister nila,un lang Hindi pa din Tayo Ang pipiliin nila sa bandang huli,Kasi ang mag Asawa pinag buklod sa hirap at ginhawa,,Kaya dapat tanggapin na hanggang dito lang Ang pagmamahal na Yan.

      Burahin
  33. akala ko noon ako lng mag isa ang nakakrmdam nito pro ngaun nabasa ko to it feels like im not the only one .. tama nga naman kahit kailan hindi talaga pinipili ang kabit .. pro ewan kung bakit .. kahit na nasasaktan na tyu dhil sa sinasabi ng ibang tao patuloy prin nting minahal ng alm nating d pwedeng mahalin :(

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Pag di m tinigil yan karma m grabe nkaktakot.di k n likigaya habangbuhay dahil meron k nasaktan at ung sakit n pinadama m dun s aswa ng kinabitan m 10x yan sasaoitin m and mas worst mangyayari din yan s mga mahal m s buhay.lahat ng iyan dahil s pagiging makasarili m gaga

      Burahin
  34. Naranasan ko narin maging Kabit, sobrang sakit pala pag pampalipas Oras ka Lang ng taong minahal mo ng lubosan,alam k noon na may asawa na sya,noon ayaw ko talaga sa knya, pero niligawan nya ako,nagpapadala ng letters at flowers sobrang sweet nya sa akin noon, Doon na rin Nahulog yong loob ko sa mga efforts at sweetness nya, sobrang minahal k na sya accept k lahat sa kanya ,binigay k na lahat ,nag eexpect AKo na Kaya nyang Ipagpalit asawa nya sa akin pero Nagkamali AKo,hind tumagal Yong relationship namin kasi nabuking kami ng asawa nya dahil nakita Yong mga text namin,buntis noon amg asawa nya at magpafile ng case, Natakot Kaming dalawa noon at nagdecide AKo namakipaghiwalay kahit masakit, umiyak sya non nong nalaman nya makipaghiwalay asawa nya sa kanya at hindi na ipapakita yung baby sa kanya pag lumabas na..doon ko na realize n Mahal nya talga asawa nya.. Ginawa nya po ang lahat para hind sya hiwalayn kahit Yong Kapalit non ay hind na kami magkikita..after non nakipagbalikan AKo sa ex ko at kinasal na. Pero bakit sya parin iniisip ko hanggang ngayon kahit may pamilya na kami pareho alam ko sa puso ko na mahal ko Parin sya. Hinihiling ko sa Diyos Na balang araw sya Makakasama ko hanggang sa pagtanda ,dahil nandito Prin sya sa puso ko habang Buhay.. Mahal na Mahal parin kita Rodel...

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Isa ka pong dakilang tanga!!iniisip m p lng ang ganyang bagay habang may aswa kn sinusunog k kaluluwa m s impyerno.di pagibig yang nararamdaman m dahil ang pagibig galing s diyos ung syo galing s demonyo.tanga libog lng yan

      Burahin
    2. Masakit matali sa isang relasyon na pangalawa ka.gaya NG kwnto mo,pero e2 lang mas2bi ko Tama Ang ginawa mo na iwan na sya,Kasi Mahal nya talaga Asawa nya dapat sa lalaking ganyan pinuputulan,Kasi duwag walang bayag,Mahal nya pala Asawa nya at binuntis NG binuntis tapos gagamit NG Ibang babae,Yan ang hirap sa mga lalaki Hindi makuntento,girl move on mukhang Mahal ka ng napangasawa mo Kaya sa kanya ka nalang mag focus girl,,kalimutan mo na un lalaki na un Kasi walang kwenta un ganun na lalaki.

      Burahin
  35. Ang pagiging kabit ay isang desisyon.di yan aksidente lng ginusto mo yan.sa palagay mo ikassisiya mo yan habambuhay ang ganyang sitwasyon ang maging kabit lng?oo mas pinili k nga sa ngayon lng yan dahil at the end babalik at babalik yan sa pamilya.nasa honeymoon stge lng kayo kaya akala nyo mahal n mahal nyo isat isa pero pag nagka problema at nawala n sweetness nyo iiwan k nyan.kung ang asawa nga na minahal nya ng ketagal nakuha iwan ikaw p kaya n sandali pa lng nakilala.kaya gamitin utak wag puro libido.tsaka pang kama lng ang peg m s kanya di k nga makuha i post man lng fb kasi nahihiya sya.yes ikinahihiya ka kc kabit ka lng.libog lng yan tin ornum bert joven.

    TumugonBurahin
  36. nagmahal lang ako nang hindi pwede...hindi man sila kasado pero mat anak sila at ramdam ko na mas matimbang parin ang asa asaw nya...masakit pero kailangan tanggapin....dahil yun nga masakit talaga ang katotohanan pero sadyang mahal na mahal ko siya... pero dapat pigilan at itama ang ang dapat....mahal ko siya mahal nya ako pero may mas mahalaga at karapatdapat...pero sobrang sakitttttt.....

    TumugonBurahin
  37. Im on the process of moving on. I've finally decided na putulin na yung relasyon ko with my married man. Ang hirap honestly kasi mahal ko sya. Madaming beses na kong nag attempt na makipg hiwalay dahil feeling ko this not the life i wanted to be. I feel so degraded everytime na inuuna nia yung commitments nia sa family nia specially sa wife nya, wala akong magawa dahil ginustu ko to. Buntot ko hila ko ika nga. Akala ko matututunan ko ding maging manhid later on pero lalo lang tumitindi yung sakit lalo't alamko na okey naman sila ng wife niya and he never promise anything to me. I never ask anything about her at all. I have nothing against her. Masaya làng tlaga ko s attention at love na binibgay niya sa akin. I was broken before until he finds me. Iba yung feeling lalo kapag magkasama kayo sa maiksing oras. Hindi puru libog ang ganitong relasyon. Pero alamko walang ppuntahan sa huli to. Lalo ko lang syang minamahal everyday. I feel so alone everytime na matatapos na yung oras namen sa isat isa at babalik na kami s kanya kanyang bahay. I couldn't live like this dahil nakakawala ng peace of mind. Hindi ako masamang tao pero dahil sa maling pagmamahal na narrmdamn ko parang gustu ko ng mag demand at magpaka selfish. Alamko di niya ako pipiliin sa huli kapag nagkabukingan. I've been in so many sites about related cases ng situation ko ngaun and sobrang naging eye opener sakin lahat ng experiences and advices ng mga nabasa ko. Ngayon only prayer and faith to God ang pinanghahawakan ko to stand firm to my decision, ang tuluyan ng iwanan at kumalas sa kanya. Kahit masakit tuloy lang. Ang hirap lang din kasi magka trabaho pa kami. Same department. Nag pa iba nalang ako ng shift. Nag iba na din ako ng number and blocked ko n sya s lahat ng social media. I gope this time i will find peace of mind though my heart is broken.

    TumugonBurahin
  38. Tanong lang po kung pareho kyong may asawa at magkarelasyon kyo ano tawag dun

    TumugonBurahin
  39. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  40. paano namang ako ang nauna pero aq ung nahuhuli,2nd year high school palang ako naging kami ng kababata q nun paman minahal na nya ako ngunit sa isang masaklap na pangyayari m mga bagay na bglang dkuna cya kinakausap dahl my nasabi cyang para saakin masakit un dahl nakaharap aq sa kanya nun sa church,,bglang lumabas aq at naglalasing sa narinig q at gumamit paaq ng ibang kaibigan pagselusin kulang cya kac nga feel q dnya aq totoong minahal,dahl sa maling akala q ,,naiiba ng takbo ng relation namin dna kami nag uusap buong akala dn nya dkurn cya mahal,dahl buong akala nya pinagpalit kuna cya ,hanngang sa nagkwento cya sa kaubigan nya at ung kaibgan nya sa masaklap ng oras m ngyari sa kanila at nabalitaan qng ikakasal na cla ngunit dahl alam ng babae aq ang mahl nya lumayo cya,,at pagdaan ng ilang buwan,lumau aq sa lugar namin dahl patuloy parn aqng nasaktan,m iba nga aqng syota para lang matakpan ung tunay qng naramdaman,ngunit hindi ito nagwowork,dahl sa sakit naramdaman q ngbf paaq ng iba ,para madami na cla at para makalimutan q cya,hanggang nabalitaan q ikakasal nanaman cya ulit sa isang babae,dahl m ngyayari sa kanila,bumalik nanaman ang sakit ung time naun isunusumpa kuna cya,cnabi q kong anong naramdaman kong sakit un dn nararamdaman nya,naiiyak aq,kac akala q ung sulat na pinabgay q sa friend q sa kanya natanggap nya ,ngunit tinago lang pala sa magulang nya,dahal nakalimutan,at hanngang nagkaroon naaq ng live in nagkaanak kami ngunit drn nagtagal dahl niluluko nya aq kasal cya sa iba,at cya rn nagkakaroon ng mga anak tagal kaming d nag uusap hanggang isang araw naging friend q cya sa fb,at un nagkausap kami ng maayos sa mga nakaraan namin,cnabi nya drin cya masaya,dami nyang babae ibat ibang babae dahl d cya masaya sa naging asawa nya,at nung 2016 galing ako ng lebanon nagka relation kami,at sa umpisa parang biruan lang kac buong akala naming dalawa kalukuhan lang ito dahl di totoong mahal nya aq at ganun din cya hanggang nagka meet kami sa bahay ng kapatid un bumabalik ang lahat na pagmamahalan namin na totoo,,hanggang ngaun naging kami na at masaya kami,kasama sa pagbabago namin bumalik kami sa Panginoon,kasama ang iisang baby namin,ngaun kasalanan ba namin itong ngyayari sa buhay namin,,at alam narn ng family nya maging asawa,at mga anak alam nla na naging kami,,subrang hirap dinanas namin ngunit walang bumitaw saamin,,dahl ngaba iba talaga pag nagmamahalan kau ,,

    TumugonBurahin
  41. at ano naman ang tawag sa babaing 5days palang clang nagka relation at m ngyayari na agad,kaht alam naman nyang m ibang mahal ang lalaking ka relation nya at bakt pumayag pa cyang maging cla kaht alam nyang mahal na mahl sa lalaking ito ang kanyang gf at niligawan lang cya parang gawing panakip butas,at pinakasalan dahl,m ngyari na sakanila,na kaht alam nyang dnaman cya talagang totoong mahal nito,dn kasalanan ba sa isang babaing totoong nagmamahalan na maging kabit,?or kasalanan sa isang babaing pumatol sa isang lalaki na alam na nga nyang m gf na ito at mahal ito ang gf bakt pa nya hinayaang m mangyari sa kanila,,ngaun masisisi ba ang mga kabit,?dnaman namin ginustong mang agaw nagkataon lang na kami talaga ang totoong nagmamahalan,,kasalanan dn naman sa ibang babae kaht alam na nga m ibang mahal na pinatulan padn nla kaht alam na panakip butas lang cya

    TumugonBurahin
  42. ung iba jan pag naka tawag ng bobo akala mo subrang linis nla,bakt kaw ba wala kabang pagkakamali sa buhay mo,sa totoo lang lahat tau dito m mga kanya kanyang kasalanan maliban sa kabit,ung pagka mapang husga mo mas malala paung kasalanan,k sa kabit d lang utak madumi sau pati mata mo at puso,,,sa totoo lang lahat tau dito sa mundo walang karapatang manghus, tanging ang Panginoon lang ang m karapatan,huwag rin kaung magmamalinis dahil sa dulo ng ung dili ay jan ninyo makita kong kau bay malinis,

    TumugonBurahin
  43. Matatawag ko bang kabit ang sarili ko kong live in partner lang din sila? O pinipilit kong paniwalaan na walang mali sa ginawa ko,kahit alam kong nakakasira din ako ng relasyon ng iba.hindi ko ito ginusto pinilit ko pa ngang iwasan,pero kahit anong iwas mo kong natutunan mo ng mahalin ang tao subrang hirap talaga.nalulungkot akong isipin na kahit hindi naman sila kasal,kabit parin ang pakiramdam ko sa sarili ko at patago parin kami kong magkita.

    TumugonBurahin
  44. Sabi nila matatawag daw na kabit pag pumatol ka sa isang taong kasal nA. Mapahiwalay man o hindi.. yun ang sabi .. sa legalidad
    Mata ng Diyos at ng tao..

    TumugonBurahin
  45. nakakarelate naman . lalaki ako mga guys. pero parehas tau ng setwasyon at nararamdaman. ask ko lang .matulungan nyo sana ako :-( una sa lahat may leave in partners ako. ganun din sya . simpleng buhay lang ang meron sakin smaantalang sya may negosyo silang magasawa.. halos sya ang gumagastos sakin. mas matandab sya sakin ng 6 years. 24 palang ako.. sa una kasi tauhan lang nila ako. nagtagal ako sa kanila ng 1 year and 3 months .kasi nakapagsumbatan kaming mag amo.. pero dun nagsisimula ang pagmamahalan namin .4 days ng nawala ako bilang tauhan nya. nagparamdam sya at nagkaaminan kami. oo kahit alam namin mali. pinatulan parin naman ang isat isa kahit may kanya kanya kaming pamilya. pareho kasing may pagkukulang ang aming mga asawa. at kung pagsalitaha. kami ng aming asawa ay masasakit.. pinapamukha nila na di kami kawalan sakanila . parehas kaming dalawang naghahanap ng pagmamahal na hinahanap namin .kaya tinary namin 2 . oo nagmahalan kami. napamahal na tlga ako saknya ng sobra.kasi pinaramdam nya na mahalaga ako na ayaw nya ko mawala. at ganun din yung pinaramdam ko sa kanya. pero mahirap isipin at tanggapin .ang katotohanan. masaya kami sa bawat oras na magkasama kami.ramdam namin ang pagmamahalan namin sa isat isa.. masiado na akong nangarap na makasama sya . 2 times na kamkng muntikan mahuli .pero lagi namin nalulusutan yun.. aminado ako na mahal nya ako at masaya sya sakin at ganun din ako. pero guys. pahelp naman. tama pa ba na ipagpatuloy ko pa to .gusto ko ng makipaghiwalay sa asawa ko kasi wala syang pakialam sakin.. pero ito naman si pangalawa ko. pabago pabago ang desisyon nya:-( na di nya ko masagot ng deretsyahan .kung mapipili nya ba ako pag nagkahulihan. at kung may plano ba sya samin . at kung may patutunguhan pa ba yung pagmamahalan namin.. kasi madalas nyang isagot sakin "tignan natin .madami pa mangyayari, basta , siguro ." walang kasiguraduhan . pero sabi nya gustong gusto nya na din akong makasama .pero umaasa at naghihintay parin ako.na sana maitama namin yung mali na kahit kailan hindi magiging tama sa paningin ng iba.. masiado na akong nahulog at masiado ko na syang mahal... anu ba ang dapat kong gawin . kasi ayukong sumuko sakanya . dahil nangako ako .at ayaw nya din bumitiw kasi nangako din sya . at mahal namin ang isat isa..papayo naman . ang sakit at hirap na sa pakiramdam . lalaki ako pero ako pa naging kabit .parehas lang kaming naghanap ng pagmamahal :-(

    TumugonBurahin
  46. Feel ko yan now.Mahal na mahal ko sya at mahal na mahal din dw nya ako.. sa katunayan ilang beses na akung kumakalas pero ayaw nya.. at di ko din kayang iwan sya.. grabe binigay ko yung lahat.. gang sa nalaman ng asawa nya at hinihiwalayan na sya.. Ngayon nalaman ko di pala nya kyang iwan ang asawa nya dahil lang sakin.. sobrang sakit ng nararamdaman ko.. gusto nya manatili pa ako sa knya pero di ko na kya.. nhihirapan na ako..ngayon nagdesisyon na ako na kumalas na ng tuluyan at ganun din sya.. natauhan na siguro.. mag usap daw kami ng maayos sa personal.. parang di ko makakaya�������� kung ano mapag uusapan namin tatanggapin ko.. kasi wala akong karapatan.. ����

    TumugonBurahin
  47. You can never be a kabet unless kasal sila. Kung hindi sila kasal then hindi ka kabet! Kung live in man sila before then it's a common law marriage, pero may mga dapat na gawin para makapasok kayo as common law marriage and kung gaano na katagal relationship niyo. Isa pa hindi ka rin pwede magkaso sa third party kasi di kayo kasal!

    Sa lahat ng mga pumasok sa relasyon na live in partner lang, don't worry girl/boy. Di ka kabet! Wag ka lang papasok sa relasyong kasal na. Masasaktan ka lalo doon!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Pero bakit tinatawag akong kabit nung naka live in niya kahit ako na yung pinipili .. hinihiwalayan na sya ng maayos ayaw ni girl makipag hiwalay at kami daw ang sumuko dahil hindi sya aalis sa bahat nun . Kakasuhan pa daw kami ng vawc . Ok lng daw sknya na dalawa kami syempre hindi po ako pumayag .pinapauwi na sya ayaw niya pa din umuwi 6yrs na sila hindi daw sya susuko . May plano na rin po ang partner ko bumili nlng ulit ng bahay dahil ayaw umalis ni girl at boto sknya buong pamilya . Sakin po lagi ang oras niya pagout sa trabaho sakin sya uuwi lng sya para maligo at papasok na naman ulit . Ako na nga po ang gustong makasama kaya sakin binigay business . Sobrang seryoso na po ng ngyayare .. hindi niya mapaalis ung babae dahil kakasuhan daw po ng vawc at sskandalo ng pamilya ng babae . Hindi ko na po alam ggawin ko kung hindi magpakatatag ..

      Burahin
  48. Hindi ko lubos na pasasalamatan si Dr EKPEN TEMPLE sa pagtulong sa akin na ibalik ang Kaligayahan at kapayapaan ng pag-iisip sa aking pag-aasawa matapos ang maraming mga isyu na halos humantong sa diborsyo, salamat sa Diyos na ang ibig kong sabihin ay si Dr EKPEN TEMPLE sa tamang oras. Ngayon masasabi ko sa iyo na ang Dr EKPEN TEMPLE ay ang solusyon sa problemang iyon sa iyong kasal at relasyon. Makipag-ugnay sa kanya sa (ekpentemple@gmail.com)

    TumugonBurahin
  49. Nag mahal ako ng my asawa piro hiwalay na cla for morethan 10years and now naging kame ng abroad ako kame pa din po piro sa 3years namin di ko alam na may live in partner pala siya at my anak sila.inamin nya sakin kasi nahuli ng live in partner nya na nag mesage xa sakin.at that day din na yun hiniwalayan nya c gir kasi di namn totally na magkasama cla sa bahay pumopunta lang c live in partner sa bahay nya.hiniwalayan nya pala c girl kasi mahal nya daw ako di nya maamin na my live in partner xa kasi ayaw nya akong masaktan ar mawala sa kanya.ngayon pa help nman po kasi ako yong tinitingnan ng mga kapated ni boy na my kasalanan kong bakit hiniwalayan nya c live in partner.mahal ko xa subra di ko alam kong ano dapat kong gawin.

    TumugonBurahin
  50. Sakin lang Mali ba ang magmahal?
    Sakin c kuya may asawa Pero hiwalay kasi sila sa asawa Niya dahil asawa Niya ang unang nang cheat sa kanilang dalawa, hindi ko naman inaakala mamahalin Niya ako, mahal ko na din sya Pero may Mali ehh may live in partner ako at may Isang anak,,, Pero matagal ko na gustong hiwalayan ang amanng anak ko, noong wala pa akong issue sa IBA. Hindi ko sinasadya dumating ang ideal man ko sa maling pagkakataon, ito c kuya na sa Kanya ang lahat na gusto kung lalaki. Nahihirapan na ako hindi ko Alam kung anong dapat kung gawin?

    TumugonBurahin
  51. Hnd kami kasal pero merun kaming isang anak. Yun ex ko kasal sila pero walang anak. Hindi na sya masaya. Yun asawa nya ang nag initiate na magcall off na cla without him na no idea qng bakit nakipag call off un asawa nya sa kanya. Ang call-off nila ay naganap nun hnd pa kami nagkkabalikan. Nagusap kami ng ex ko, sobrang hirap ng sitwasyon nmin dalawa. Aq na me anak sa kalive-in ko, sya nman kasal. Umamin sya sakin na kasalanan ko daw qng bakit kaagad sya nagpakasal. Ang nakaraan nmin. Pero magsisisi sya kc both of them, hnd na tlg masaya sa relasyon nila. Ng sitwasyon ko nman, merun kami baby ng kalive-in ko. Umuwi aq ng province pra dun manganak, ang daddy ng anak ko nagwwork sa manila. Simula ng nagkaroon kami ng communication ng ex ko, naging malinaw ang lahat. Kaso komplekado ng set up. Pero bakit ganun? Totoo pla na darating un time na ggising ka isang umaga, na hnd muna sya mahal. Khit pa 4yrs kami nagsama. Un tipong bigla nlng unti2 mawawala ang pagmamahal mo sa kanya. Nkka guilty sa totoo lng. Kaso hnd kna masaya. Isa pang reason is hnd nya na halos maibigay ang panga2ilangan nmin mag ina. Sobrang hirap ibudget ang padala nya pra lng ipambili ng gatas ng anak nmin.. cguro isa rin un sa reason kung bakit ako natatabangan na.. pero gs2 q pa ianalize ang situation ko. Ayoq maging selfish, kaso hnd na tlg aq masaya. Ayoq din syang sobrang saktan dahil minahal ko sya ng sobra. Un spark wala na, napalitan na ng puro doubt if kaya nya ba kami mag ina buhayin in the future? Hnd ko alam.. sobrang hirap naq. Ayoq maging unfair sa kanya. Sa ex ko nman, plano nya na mkpg annul sa asawa nya, maghhintay lng sya ng tamang panahon. Sabi nga nmin, wag nmin madaliin ang sitwasyon.. hnd qna alam, ang nsa isip ko nlng is un genuine na happiness at hnd makasakit sa daddy ng anak ko. Alam ko maraming hhusga. Dahil ang sistema, prang nag kabitan lng kami ng ex ko. Alam ko maraming judgrmental d2 pero hnd ko kayo masisisi. Again, walang gs2ng maging kabit. Ang amin lng is, natagpuan lng nmin ang genuine happiness in a very wrong timing. Any advise will be appreciated. God speed❤️

    TumugonBurahin
  52. anu poba gagawin ko kasee mahal kopo siya diko din naman po alam nun una na kasal siya alam ko may anak at asawa peroo akala ko di sila kasal ang hirap nagsasama pa sila gustona iwan yung babae perooo papahiya daw ako ng babae kaya di umaalis yung lalaki.. anu poba gagwin ko mahal po namin pareho ang isat - isa ...

    TumugonBurahin
  53. can you help me po diko po alam gagwin ko mahal kopo tlaga siya eeee diko kaya na mawala siya ikakamatay ko haysss sobrang hirap po

    TumugonBurahin
  54. Ako po ai may anak na 3 sa live in partner ko. Peo ung aswa ko po nagloko ng 2 times po hanggang sa my anak sila sa isang babae. Peo pintawad ko po xia hanggang ngaun na parang Sawa na po aq aq sa kanya inaaway aq sa babae Nia. Hanggang sa Punto na may lalaking umibig saken ngaun. Napamahal din aq sa kanya. Any advice po.

    TumugonBurahin
  55. Ay putang ina paano naging pa galawang asawa ang kabit eh kabit nga kabit kabit kanit ano un conjugal propertybdn sila aba ang mga feeling. Hoy mga kabit kng kayong mga kabit may another kabit ang karelasyon okay lang ba mga feeeeeling ang ka it sabihin na akong asawa akong partner eeeew kabit.

    TumugonBurahin
  56. Matatawag bang kabit kapag nagka syota ka na may syota na pala? Hindi sila live-in, walanag anak, hindi kasal. Mag syota lang talaga

    TumugonBurahin
  57. Mahirap kapag nasa Mali kang relasyon pero.malalim yung damdamin mo..ako..hndi nya kaya at wla sya plano iwanan ang pamilya nya pero gusto nya nandyan lang din ako.. Ang may problema ako eh..mahal na mahal ko kasi at di ko kayang mawalan kami ng ugnayan..kaso pag umuuwi na sia sya pamilya nya dun ako nasasaktan..dahil antay na nman ako kelan sya magpaparamdam..tapos pag nagparamdam na sya di ko nman sya kayang tiisin..desperada ba ko??

    TumugonBurahin
  58. Kailan ba Pinili ang Isang Kabit?
    siguro depende sa sitwasyon ng mag asawa.may asawa kasing walang pakialam ang babae sa lalaki at hindi maasikaso kaya minsan sa iba nahahanap ng lalaki ang tunay na pagmamahal sa kabit kaya siguro minsan mas pinili yung kabit.소액 결제 현금화 사이트

    TumugonBurahin