Sabado, Oktubre 27, 2012

Moving On: Mahirap o Mahirap?


Kapag nasaktan ka, pakiramdam mo gumuho na lahat sayo. Yung tipong wala na yung pinanghahawakan mo. Wala nang sense yung buhay mo. Oo normal umiyak tuwing gabi lalo na kung wala kang katabi. Todo buhos ang luha syempre dahil walang magigising. Lagi na lang pumapasok sa isipan mo yung taong nanakit sayo. Bakit nga ba? Sinaktan ka naman niya ah, bakit kailangan lagi mo pa rin isipin? Mahal mo pa, o di mo matanggap na may taong nanakit sayo ng ganon?

Paano nga ba magiging madali ang pagmomove on kung maraming memoryang iniwan sayo ang isang tao? Sa bawat lingon mo, maaalala mo siya. Kahit sa isang simpleng bagay tulad na lang ng paborito nyang damit, kulay, pagkain, artista.. UGGGH ano ba! L Tapos darating pa sa point na okay ka na then biglang magtetext o tatawag sya? Oh no! bakit! Why! Ano ba! Nakakainis di ba? Naalala mo na naman lahat. Lahat ng saya. At kung gaano kasakit nung nawala na sya sayo. Tsk! Sira ang progress ng pagmomove-on!

Minsan naman nagiging masaya ka. Sa school o trabaho, sa bahay kasama ng pamilya mo, tawa dito, tawa don, kwento dyan, chismis don. Haaay! Di ba ang sarap sa feeling pag ganon? Pero paano kung mag-isa ka na lang? kaya mo pa rin bang maging masaya sa kabila ng sakit na nadarama? Pag nasa mahabang biyahe ka pauwi mula sa isang nakakapagod na araw sa school/trabaho. Nasa jeep ka, nagpapatugtog ng malungkot yung driver tapos may kasabay ka pang couple at nakikita mo silang masaya. Eh lintik! Sino ba namang makakamove-on kapag ganon! Attend ka ng party sige! May nagvivideoke pa. kanta lang ng kanta, inom lang ng inom. Tapos ano? May kakanta ng theme song nyo! Para bang gusto mong pumatay ng tao sa sobrang galit. Paano ka makakamove-on nyan?

Nako, ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo. Wag mo kasi iasa sa iba. Kasi sarili mo yan eh, paano pag wala sila diba? Back to zero ka? Hindi dapat ganon. Learn how to love yourself first. Learn how to make yourself happy without the help of other people kasi “Being alone is the most certain thing in this world” (Noel Racho, 2011). Pag masaya ka na sa sarili mo, magiging masaya ang iba para sayo then makakapagpasaya ka pa lalo ng ibang tao. Haaaay! Move on na! be strong. =’) 

-RM

Kailan ba Pinili ang Isang Kabit?


Ang puso ng tao, isa lang, kaya dapat isa lang din ang laman nyan. Eh ano yung kantang “Sana dalawa ang puso ko”? KALOKOHAN YON! Kahit ano pang gawin o isipin ng isang taong sinasabing may mahal siyang dalawang tao, imposibleng magwork yun sa paraang magiging masaya both parties. Bakit? Dahil sa bawat araw, oras, minuto, segundo, may taong masaktan ng paulit-ulit.
Una sa lahat, ang couple ay para sa dalawang tao lang. ang pagkakaroon ng third party ay patunay ng hindi pagiging kuntento ng isa sa karelasyon nya. Eh bakit hindi na lang nya hiwalayan kung ganon diba? Maraming reasons! Reasons, excuses, etc! para lang makalusot.

Magsimula tayo sa taong nangangaliwa. Minsan kahit ibigay pa ng isang tao ang lahat, may mga pagkakataong maghahanap pa rin ng iba ang ka-partner nya. Kumbaga kahit may paborito kang ulam, di ba titikim at titikim ka ng iba? Lalo na kung paulit-ulit na yung ulam mo. Nakakasawa. Pero iba ang ulam sa isang relasyon. Ang ulam pinagsasawaan pero ang taong mahal mo kahit paulit-ulit pa lahat ng nagaganap, mamahalim mo pa rin at magiging tapat ka pa rin dapat. Pero, bakit nga ganon?

Sunod, ang karelasyon ng taong nangangaliwa. Oo maaaring alam at hindi alam. Kung alam, bakit ka pumapayag, tanga lang siguro. Sasabihin, dahil mahal nya kaya nya kinukunsinti o hinahayaan nyang mambabae/manlalake yung ka-relasyon nya. KALOKOHAN! Mahalin mo muna sarili mo. Hindi tamang kawawain ang sarili para sa isang bagay na akala mo eh mapapasaya ka kasi sa totoo lang di ka mapapasaya nyan, paulit-ulit ka lang masasaktan. Pero kung di alam, tanga rin. Minsan ang tao kailangan makiramdam. Oo pwedeng pinagkakatiwalaan nya yung karelasyon nya kaya di siya nagdududa pero, di sapat ang tiwala. Kasi kahit anong tiwala pa ng isang tao, may mga pagkakataong darating at susubukin yun, at maaaring masira. Mahirap kalabanin ang temptasyon. Mahirap umiwas, mahirap maging malakas. Uso na sa mundo ang maging mahina. Pero kailanman ay hindi yon dahilan para manakit ng damdamin ng iba.

Huli, ang kabit. Kabit, kabit, kabit. Hindi ba sila ang mga salot sa mundo ng bawat magkarelasyon? Ang kabit na alam ang lahat. Ano ba ang dapat itawag sa kanila? Maninira ng relasyon? o taong umaasa sa mga pangako na balang araw eh hindi na siya magiging third party kundi magiging legal na ka-relasyon na. Maaaring maging masama ang isang kabit ngunit paano natin masasabi na masama siya? Dahil sa pagpayag niya na maging isang kabit. Oo masama yon. Masakit rin. Katangahan, kalokohan, kabobohan. Ano pa bang masasakit na salita ang pwedeng sabihin sa taong pumapayag na maging pangalawa sa lahat ng bagay? Kahit gaano pa kasama yon, walang nakakaalam. Maaaring kasalanan niya pero maaaring kasalanan rin ng nagpakabit. Masamang mamangka sa dalawang ilog. Sinasaktan na niya yung karelasyon niya, pinapaasa nya pa itong si kabit.

Sino ba ang may kasalanan kung bakit sumusulpot ang isang kabit para guluhin ang dalawang tao? Yung una ko bang nabanggit na tatanga-tanga? Yung pangalawang gusto tumikim ng ibang ulam, o ung payag kahit na pangalawa lang siya? Sa palagay ko may mga pagkukulang at pagkakamali ang bawat taong sangkot pero higit sa tatlo, ang taong nasa gitna ang may pananagutan sa bawat hirap at sakit na pinagdadaanan ng mga taong nagmamahal sa kanya. Kung mananatili lang sanang kuntento ang isang tao sa partner nya, walang kabit, walang aasa, walang iiyak, walang pagtataksilan. Masaya sana..

Pero sabi nga nila, kailanman ay hindi pinipili ang isang kabit. Ang kabit ay pampalipas oras lang. Pangtanggal umay. Pampainit ng isang nanlalamig na relasyon. Pamparaos. Kung malungkot sa isa, punta sa kabit para maging masaya. Ganyan madalas ang sinasabi. Ang kabit, madaling palitan, walang pinanghahawakan. Ang tunay na karelasyon, kahit ilang kabit pa ang dumaan, di yan papalitan. Kailan nga ba pinili ang kabit?

-RM